Baka pagkatapos mong mabasa ang pamagat naisip mong,
Hoy Bryan, nauntog mo ba ulo mo o nakalimutan mong uminom ng gamot? Alam mo namang lumabas na ang Atlantis, diba?!?
Huwag kang mag-alala. Okay lang ako, wala naman akong amnesia pero yong gamot… Hmm, baka kailangan kong … Joke lang, seryoso na tayo ngayon
Major release vs. Hotfix feature vs. Interim release
Unang-una nais kong linawin na ang EndeavourOS ay isang rolling release. Ang mga binibigay na updates sa mga ISOs namin ay nakakaapekto lamang sa pag-iinstall. Inuupdate rin namin ang offline edition nito. Hindi namin pinipigilan ang paglabas ng mga bagong package kahit sa ano mang paraan. Ang point release number sa pangalan ng ISO ay tumutukoy lamang sa mga taon ng paglabas, kasunod nito ang bilang nga mga nailabas sa taon iyon. Ngayong nabanggit ko iyan, pag-usapan natin ulit ang Atlantis neo release at ano ang nangyayari rito:
Major release – Ang kamakailan lamang na Atlantis release ay isang major release na naglalaman ng maraming pagpapabuti at mga bagong features na ginawa at ipinatupad ng aming developers, bukod sa regular na mga upsteam package updates. Ang major release rin ay “idiniriwang” ng bagong wolpeyper at bagong codename na hango sa mga kasulukuyang o kathang-isip na mga pangalan ng sasakyang pangkalawakan.
Hotfix feature – Ito ay isang mabilisang instrumento para sa mga development team upang magbigay ng mga pag-aayos sa mga minor bugs sa naipalabas na ISO. Ang mga pag-aayas na ito ay maaring, mga kamaliang nagsanhi sa amin, mga workaround scripts para pansamantalang maiwasto ang isang upstream bug o mga pag-aayos sa mga upstream bug na hindi sumasalungat sa ibang mga packagaes sa ISO. Isipin mo nalang na isa itong band-aid, ang mga pag-aayos na ibinibigay ng feature na ito ay panandalian lamang.
Interim release – Ang interim release ay nagbibigay ng medyo updated na version ng isang kamaikalan lamang na major release, pero walang mga bagong features at wolpeypers. Ang mga pag-aayos na binibigay ng release na ito ay mga, reversed workarounds dahil sa pag-aayos sa upstream at/o mga upstream bug fixes changes na maaaring makaapekto sa paggana ng ibang mga packages sa ISO. Syempre, sa mga changes na ito, isasama nito ang lahat ng mga upstream package udpates.
Magbibigay kami ng hanggang sa dalawang interim ISOs lamang sa pagitan ng mga major releases kung talagang kinakailangan. Ibig sabihin na ang bawat major release ay hindi magkakaroon ng dalawang ISOs palagi. Maaring isang interim release lang ang ilalabas depende sa importansya at timing.
Ang mga release na ito ay magdadala ng pangalan ng pinakabagong major release kasunod ng mga karagdagan na, ayon sa pagkakabanggit, neo at nova.
Medyo kaugnay sa aming tema sa kalawakan, hinango namin ito sa mundo ng aviation ang pagpapangalan ng mga release. Alam naman natin lahat ang matagumpay na Boeing 737 at ang binagong model nito na ang 737 MAX, o ang Airbus sa kanyang katumbas na tagumpay rin na model na A320 at ang binagong model nito na A320 NEO.
Paano naman ang pagbabawas ng mga gawain?
Ang mga mapagmatyag na mga mambabasa sa inyo ay maaring nakapansin sa naisulat ko tungkol sa pagbabawas ng mga gawain para sa dev. team sa pamamagitan ng pagdaragdag ng hotfix feature doon sa pag-anunsyo ng Atlantis release. Gayon, paano ba nababawasan ng interim releases ang mga gawain, eh hindi ba nagdaragdag pa ito ng pressure at mga gawain sa development team?
Hmm, oo at hindi at ipapaliwanag ko.
Ang hotfix patches ay kadalasang bunga ng mga pag-aayos ng mga bugs na ginawa ng dev team at ng komunidad na naglalahad ng workarounds para sa naturing bug. Gayon, ang mga patches na ito ay naipapalabas nang mas madalian dahil sa maraming tech-savvy na miyembro ng komunidad natin, at ang kabuoang komunidad ng Linux.
Dahil sa pag-release ng neo at nova ay mas napapabilis ang trabaho ng dev team dahil mas madaling ma-implement ang mga upstream fixes at changes dahil noon, ang mga kinakailangan pag-aayos ay konti nalang at samakatuwid ay mas madaling sustentuhan. Bilang panuntunan, ipinapalabas lang namin ang mga upstream changes at bug fixes sa interim release. At dahil doon, mas napapabilis din ang mga gawain. Sa huli, mas napapabilis na rin ang kailangang gawin para sa mga bagong features na ginagawa namin para sa susunod na major release.
At saka, ito ay magpapaliit sa mga anunsyo namin patungkol sa release, at pinipigilan ang aming mga tagasalin na mapunta sa estado ng kawalan ng pag-asa.
Ang aming pangkat rin ay gumagawa ng paraan para awtomatikong nalilikha ang mga ISO at ang unang mga testing namin ay may magagandang bunga, pero ipapaliwanag namin iyan nang mas maigi sa malapit na hinaharap.
The Atlantis neo release
Pinapayuhan ka naming basahin ang buong talaan ng mga features na isinama sa Atlantis release na nandito.Bukod pa riyan, ang Atlantis neo ay mayroong karagdagang mga pag-aayos na makikita rito:
- Kung sakaling mahina ang internet o mirror connection, hindi hihinto ang Pacman (ang package manager po, hindi si Manny Pacquiao) at nagdudulot ito ng palpak na install. Ngayon, susubokan na lang nitong kumuha ng mga packages hanggang sa anim na beses. Mababawasan nang makabuluhan nito ang makakuha ng palpak na install.
- Ang mga encrypted na installation na gumagamit ng BTRFS ay gumagana na kapag pumili ka ng SWAP partition at hibernation, laking pasalamat sa aming team member at moderator na si Dalto.
- Naayos na ang isyu ng Budgie na hindi pumapayag na ma-access ng user ang power menu pagkatapos mag-hibernate at suspend sa pamamagitan ng pagdagdag ng gnome-power-manager sa lahat ng install. Isang malaking sharawt sa komunidad ng Daddy Linux sa pag-abot ng isyu na ito sa kanilang lingguhang distro challenge sa linggo 49.
- Maaari na ring mag-install ang Calamares sa mga system na may mas mababa sa 2GB ang RAM. Magiging kapaki-pakinabang ito sa mga virtual machines.
- Tinanggal na ang Virtualbox-ext-oracle sa aming repo dahil sa Oracle license agreement na hindi pinapayagang iredistribute ang package.
- Pinalitan ang TLP ng power-profiles-daemon para sa mas mabuting hardware compatibility, at nagreresulta sa lean at minimal na power savings by default. Para sa gumagamit ng Gnome at Plasma, ang power-profile-daemon ay maisasama sa settings menu ng DE.
Isang maliit na pamasko
Ang mga pagpapabuti at pag-aayos na naitala sa itaas ay karaniwang nasa dulo ng anunsyo sa regular na neo release. Ngunit ngayon, ang Atlanis Neo ay ang una naming interim release sa aming bagong release model at dahil nasa panahon ng kapaskuhan tayo, may kaunting aginaldo kami sa inyo.
- Isa ng opsyon ang LxDe sa aming DE option menu at ito ay ma-iinstall ng basic vanilla setup.
- Idinagdag ang Openbox sa aming edisyong pangkomunidad na may kasamang basic at medyo themed na setup.
- Idinagdag din ang Qtile sa aming edisyong pangkomunidad, ang Python-based na WM ay may isinasama ring medyo themed at basic na setup para mabigyan ka ng kickstart sa WM.
Gusto naming ihandog ang aming pasasalamat sa developers team ng komunidad sa kanilang sipag at tiyaga sa paggawa ng mga edisyong ito at sa komunidad din sa pagbibigay ng puna habang sila ay nagtetesting nito.
” Para sa amin, kayong lahat ay isang mahalagang nagniningning na bituin na kumikinang sa aming mapagkumbaba na Endeavour… ”
Ang EndeavourOS team
Sa kabila ng ating pakiramdam kapag binabalikan natin ang 2021, para sa amin, ang taong ito ay isang pambihirang taon na nagbunga ng masigasig, mapagmahal, at lumalaking komunidad. Isang tunay na pribilehiyo na mapalibutan ng grupo ng mga hindi pangkaraniwang mga tao na tulad mo.
Hindi namin kayang maipahayang ang aming taos-pusong pasasalamat sa pagmamahal at suporta na ibinigay ninyo sa amin ngayong 2021. Niisang salita sa anumang wika sa mundo ang kayang bigyang katarungan ang apresyasyon namin sa inyong pakikilahok. Ngunit susubukan ko ito sa pinakamahusay kong paraan sa aking limitadong mga kakayahan.
Upang mapanatili ang aming tema sa kalawakan, kami ang naglulunsad ng bagong impormasyon sa kalawakan ngunit kayo… kayo ang kamangha-manghang mabilis na gumagalaw na mga satellite sa paligid namin na nagpapadala ng aming code at hinahalo ito sa iyong pagmamahal at sigasig hanggang sa kawalang-hanggan at higit pa, na nagbibigay ng distro ang kakaibang mainit at magiliw na mukha.
Para sa amin, kayong lahat ay isang mahalagang nagniningning na bituin na kumikinang sa aming mapagkumbaba na Endeavour… Salamat sa pagbibigay sa amin ng inyong mainit na pagmamahal, sigasig, karunungan, at liwanang, dahil, kung wala ang mga iyon, hindi magiging kasing lakas natin ang EndeavourOS ngayon …
Maligayang kapaskuhan sa lahat at sa magandang pagpatuloy ng ating paglalakbay ngayong 2022…
Maari mo nang idownload ang Atlanis neo rito.